CRESILYN CATARONG
PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) ang virgin coconut oil bilang health supplement sa mga COVID-19 patients.
sinabi sa isang panayam ng SMNI News kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña na nakalinya ang Philippine General Hospital at isa pang medical facility sa Sta. Rosa, Manila sa magiging recipients ng nasabing pag-aaral.
Nilinaw naman nito na inaantay pa nila ang approval ng Department of Health para isagawa ang clinical test ng virgin coconut oil sa mga pasyente.
Kung masisimulan na ang clinical tests, inaasahang sa loob ng dalawamput walong araw ay makakuha na ng resulta ang DOH tungkol dito kung saan katuwang ang Food and Nutrition Research Institute sa nasabing pag-aaral.