CHERRY ILAW
AMINADO mismo ang San Juan City LGUs na hindi nila kakayaning maabot ang 100 percent SAP distribution ngayong araw na itinakda ng DILG sa lahat ng LGUs na maibigay ang siyento porsyentong ayuda ng pamahalaan sa mga benepisyaryo nito.
Hanggang 70 percent lang ang kayang abutin ng San Juan City LGUs sa pamamahagi ng Social Amelioration Fund sa target beneficiaries nito sa lungsod.
Ayon sa San Juan City PIO, bagamat mahalaga na mabigyan ng ayuda ang mga benepisyaryo ay dapat dumaan muna sa maayos na validation upang masiguro na karapat dapat ang mga makakatanggap.
Batay sa datos ng San Juan City LGUs, nasa 5, 252 na benepisyaryo palang ang naabutan ng tulong pinansiyal mula ito sa 16, 309 households na dapat makatanggap ng ayuda.
Katumbas ito ng 32% na bilang mula sa target beneficiaries ng lungsod.
SAP Payout as of 06 May 2020:
5,252 out of 16,309 (32.02%)
– Regular = 3,869
– Socpen = 1,383
Ngayong araw, kung saan itinakda ang deadline sa SAP distribution, sisikapin anilang tapusin ang nasa 9.5 na libong households habang itutuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda sa matitirang 30 porsyento sa mga susunod na araw.
Wala pang pahayag ang lungsod kung hihilingin nito sa DILG ang muling pagpapalawig sa SAP distribution sa kanilang lugar.