VHAL DIVINAGRACIA
NAKAREKOBER ang labing isang COVID-19 patient sa Bataan Province ayon sa pinakahuling datos ng Bataan Health Office kung saan isangdaan at pito na ang gumaling sa sakit.
Nasa isang daan at apatnapu’t pito naman ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan matapos madagdagan ng isang panibagong kaso.
Sa ngayon, nasa pito katao na ang pumanaw dahil sa COVID-19 pandemic.