VIC TAHUD
UMABOT sa isangdaan at animnapung miyembro ng presidential security guards ang nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng rapid test ayon kay PSG Commander Colonel Jesus Durante.
Sa kabila nito, isang PSG pa lamang ang nagpopositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng polymerase chain reaction o PCR test.
Tiniyak naman ni Durante, na protektado pa rin ang Pangulo laban sa COVID-19.