MELROSE MANUEL
MAKIKINABANG ang labing pitong milyon na pamilya sa pangalawang bugso ng social amelioration program (SAP).
Ito’y matapos ipag-utos ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na isama sa mabibigyan ng tulong pinansiyal ang karagdagang 5 milyong pamilya.
Sa memorandum na inilabas ni Medialdea, kasama ang 5 milyong pamilya sa 12 milyong benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Posible rin aniya na ikonsidera na mabigyan ng pinansiyal na tulong ang mga mahihirap na pamilya na nakatira sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).