MELROSE MANUEL
NAAYUDAHAN na ang mahigit 17.1 milyong pamilya sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Batay sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, higit 4.1 milyon sa mga nakatanggap ng cash aid ay benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Habang 12.8 milyon ang non-4Ps beneficiaries at nasa 62,028 naman ang mga public utility vehicle (PUV) drivers ang nabigyan.
Sa ngayon, ₱96.7 bilyon na ang pondong nailabas ng pamahalaan para sa SAP.