VHAL DIVINAGRACIA
NAGLAAN na ang Department of Health (DOH) ng P18 milyon para sa clinical trials ng Avigan o yung anti-influenza drug na mula sa Japan.
Ito ay ayon sa report ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Kongreso para sa Bayanihan to Heal as One Act.
Nasa 80 hanggang 100 pasyente ang inaasahang sasali sa clinical research para sa paggamit ng Avigan sa bansa.
Sinabi rin ng Pangulo na 24 na ospital ang sasali sa solidarity trials kung saan 12 ospital ang aktibong nagre-recruit ng mga sasali.
Ito ay dahil prayoridad ng pamahalaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino.