NOEMI PARANE
Tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Tourism (DoT) na makatawid ng Maynila ang dalawang lokal at labing pitong banyagang turista na na-istranded sa Coron at Puerto Princesa sa Palawan na naabutan ng enhanced community quarantine (ECQ).
Walo sa kanila ay ibiniyahe sa NAIA Terminal 1 para sa kanilang flight pabalik sa kani-kanilang bansa habang ang iba naman ay dinala sa malapit na hotel kung saan sila pansamantalang mananatili habang naghihintay ng kanilang scheduled flight ngayong linggo.
Ang labing siyam na turista ay bumiyahe mula Palawan patungong Maynila via 2GO at MV Saint Agustine ng Hippo.
Samantala, ipinagpapasalamat naman ng pamunuan ng PCG ang ibinigay na tent nina Lieutenant Commander Gerald Anderson PCGA at Piolo Pascual.
Magsisilbi bilang pahingahan ng mga PCG personnel na nagbabantay sa tatlong quarantine facility sa Pier 15, Port Area, Manila.