VIC TAHUD
MULING nagpaliwanag si Department of Health Secretary (DOH) Francisco Duque III Kay Pangulong Duterte na ang nararanasan ng bansa sa ngayon ay 1st major wave.
Ani Duque, noong nakaraang linggo, nabanggit niya na tayo ay nasa second wave na base sa isang artikulo na nilahathala ni Dr. Johny Wong.
Si Dr. Wong ay isa sa mga adviser ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na isa ring epidemiologist.
Payo naman ng Pangulo, sabihin lang ni Duque kung ano ang kanyang nais ipahiwatig at bahala na ang taong bayan kung maniniwala ba ito o hindi dahil tayo ay nasa demokratikong bansa.