MELROSE MANUEL
SINALAKAY ngayong umaga ng mga otoridad ang isang warehouse sa Bacoor City sa Cavite na sinasabing imbakan ng mga iligal na gamot laban sa COVID-19.
Sa naturang operasyon, naaresto ng mga otoridad ang dalawang Chinese national na kinilala bilang sina Kira at Chen.
Nakumpiska naman ng mga pulis ang kahon-kahon na mga pekeng gamot.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naarestong mga suspek.