NI: VIC TAHUD
MAAARI ng magbalik-trabaho ang mga residente sa New York City ayon kay New York City Mayor Bill De Blasio kasunod ng inaasahang pagbubukas ng ekonomiya sa Estados Unidos sa una o pangalawang linggo ng Hunyo.
Magugunitang ang New York City ang tinaguriang epicenter ng COVID-19 outbreak sa Estados Unidos.
Sa ilalim ng pagbubukas ng ekonomiya sa lungsod, kabilang sa mga papayagan nang mag-operate ang sektor ng construction, manufacturing, wholesale suppliers at mga non-essential retail.
Sa susunod na linggo, maglulunsad ng inisyatibo ang pamahalaan para tulungan ang pagbubukas ng mga negosyo, kasama na ang mga guide at “business restart hotline’.
Patuloy ding imomonitor ng New York Authority kung sumusunod ba sa mga alituntunin ng pamahalaan ang mga kumpanya sa pagbabalik-operasyon.