JAMES LUIS
UMALMA ang mga Overseas Filipino Workers dahil sa pagtaas ng singil ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng kontribusyon.
Sa ipinalabas na PhilHealth Circular 2020-2014, inaatasan ang mga OFWs na may monthly income na sampung libo hangang animnapung libo na magbayad ng 3.0 percent mula sa dating 2.75 percent lamang noong 2019.
Dahil dito, nais ni ACT-CIS Partylist Cong. Eric Go Yap na imbestigahan at kung bakit tinaasan.
Hindi rin nararapat ito dahil apektado ang lahat ng hanapbuhay dahil sa kinakaharap ng buong mundo na COVID-19 pandemic.