NI: PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
ANG tao ay nakatayo sa pagitan ng dalawang mundo: ang natural at ang espirituwal. Upang maabot ang espirituwal na kaganapan, ikaw ay dapat lumampas sa pagkapisikal at umakyat sa mas mataas na dimensyon.
Juan 6:63
63 Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.
Mga Romano 8:5
5 Sapagka’t ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu.
1 Juan 2:15-17
15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, maging ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, wala sa kaniya ang pag-ibig ng Ama.
16 Ito ay sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang pagnanasa ng laman, ang masasamang pagnanasa ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay. Ang mga ito ay hindi mula sa Ama kundi sa sanlibutan.
17 Lumilipas ang sanlibutan at ang masasamang pagnanasa nito ngunit ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.
Ang dalawang pangunahing kinabibilangan ng tao:Ang natural na mundo at ang espirituwal na mundo
Ang natural na mundo ay kilala bilang isang dimensyon na napapailalim sa mga batas ng oras, kalawakan at bagay. Maaari lamang itong maaabot sa pamamagitan ng limang pisikal na pandama – paningin, pandinig, pakiramdam, panlasa at amoy.
Ang espirituwal na mundo ay nakahiwalay, ngunit umuugnay ito sa natural na mundo. Ito ay permanente, hindi nakikita at walang hanggan. Wala itong oras. Ito ay nagpapatupad ng kapangyarihan sa natural o pisikal na kaharian. Ang pananampalataya lamang ang maaaring makagawa nito.
Ang pananampalataya ay gabay patungo sa espirituwal na mundo
Upang makamtan ang mga bagay na hindi nakikita o ang mga bagay na ihahayag pa sa natural na tao, kailangan natin ng pananampalataya. Ang ating pananampalataya ay kailangang lumago at umangat upang ang ating pang-unawa sa Makapangyarihang Ama ay makompleto.
Sinabi ng Ama, Mga Romano 10:17 “Kaya nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.” Kung hindi ka nakikinig sa Salita ng Diyos, hindi ka magkaroon ng pananampalataya. Maging mabusisi sa pakikinig sa mga Salita ng Diyos at sa pagsusunod nito; ito ang iyong paglago sa pananampalataya.
Mga Romano 1:17
17 Sapagka’t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni’t ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Tayo ay nabubuhay sa pananalig sa hindi nakikita, sa pamamgitan ng Salita ng Diyos.
Mga Hebreo 11:11
11 Sa pananampalataya si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasa’y inari niyang tapat ang nangako:
Mga Hebreo 11:6
6 At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka’t ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya’y nagsisihanap.
Ito ang dahilan kung bakit sa Bansang Kaharian, ang puso natin ay ang puso ng pananampalataya. Kung wala iyon ay wala kang puso. Kahit ang saging ay may puso. Kung wala kang pananalig at ikaw ay isang tao, wala kang puso.
2 Mga Taga-Corinto 3:18
18 Datapuwa’t tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu.
Ito ang “Unang Dimensyon” na makademonyo o diabolic.
2 Pedro 2:12
12 Datapuwa’t ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.
Tayo ay inuusig dahil tayo ay nagsasalita sa espirituwal.
Sila ay nasa ganitong dimensyon. Tinatawag silang demonic at diabolic. Sila ay nasa antas ng grupong mga anghel na nahulog sa langit.
Ang “Pangalawang Dimensyon” ay makalaman o carnal
Sinasabi ng Mga taga Roma 8: 7-8
8 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.
(Itutuloy)