VHAL DIVINAGRACIA
TARGET lamang ng pamahalaan ang isa hanggang dalawang porsiyentong populasyon ang isasalang sa testing o hanggang 10% ng populasyon sa lugar na itinuturing na epicenter.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na walang bansa sa mundo ang may kakayahan na isailalim sa testing ng COVID-19 ang buong populasyon.
Wala rin aniyang perfect formula at kailangang sundan ang ginagamit na batayan sa buong mundo.
Hindi rin dapat gamitin ang terminong “mass testing” at sa halip ay “expanded targeted testing.”
Paliwanag pa ni Roque, ang mga kailangan lamang i-test ay ang lahat ng symptomatic, lahat ng galing sa ibang bansa at lahat ng mga nakasalamuha ng isang nagpositibong pasyente at mga OFWs na umuuwi sa bansa.