MELROSE MANUEL
PINALAWIG pa hanggang Hunyo a-trenta ang pagbabayad ng buwis sa Taguig City sa gitna ng pandemic ng COVID-19 ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano.
Nilinaw din ng alkalde na wala silang sisingilin na mga penalties, sur-charges at interests.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang door to door na pamamahagi ng gamot para sa kanilang mga residente sa gitna ng umiiral na community quarantine.