NI: MELROSE MANUEL
IPATUTUPAD ng Metropolitan Manila Development Authority ang modified EDSA kasabay ng pag-iral ng General Community Quarantine sa Metro Manila sa Lunes.
Sinabi ng MMDA na ililipat ang mga bus lane sa inner lane ng EDSA katabi ng Metro Rail Transit-line 3.
Tinanggal na rin ang mga center island sa ilang bahagi ng EDSA upang gamiting bus stop at doon magbababa at magsasakay ng mga pasahero.
Gagamitin din ang mga foot bridge na maging bus stop sa kahabaan ng EDSA.
Hindi rin maaaring saan-saan magbaba ang mga bus kundi sa mga inilaan lamang na mga bus stop sa center island.
Ayon pa sa MMDA, magkakaroon pa ng second base ang modified EDSA at sisikapin nilang makapaglagay ng bus stop sa bawat isang kilometrong layo.