VIC TAHUD
ISINAILALIM na sa lockdown ang tatlong barangay sa Polomolok, South Cotabato matapos makapagtala ng kaso ng COVID-19.
Ang mga barangay na ito ay ang Rubber, Magsaysay at Lumakil.
Ayon sa Provincial Health Office, isang 25 years old na lalaki ang nagpositibo sa naturang sakit.
Dinala sa ospital ang pasyente at lumabas nang bumuti na ang kalagayan nito ngunit nang lumabas ang resulta ng test ay nagpositibo ito sa COVID-19.
Sa ngayon, inilagay na sa isolation facility ang nasabing pasyente.