MELROSE MANUEL
NASA limang libong mga Overseas Filipino Workers maging mga residenteng Pinoy sa Hong Kong ang nawalan ng trabaho sanhi ng pandemic na COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni Dolores Balladares-Pelaez, chairperson ng United Filipinos sa Hong Kong.
Batay sa kanilang datos, nasa mahigit dalawang daang libong mga Pinoy ang nagtatrabaho sa naturang administrative region ng bansa.
Samantala, hindi pa alam ni Pelaez kung mayroon bang Pinoy na naapektuhan sa nangyaring pag-spray ng tear gas ng mga Hong Kong police sa mga residente ng Hong Kong na nagsagawa ng kilos protesta nitong weekend.