JUSTINE PILANDE
HINDI sang-ayon ang Filipino TV-presenter na si Amy Perez sa pagbubukas muli ng klase ngayong darating na August 24.
Aniya, bilang isang ina pinangangambahan nito ang kalusugan at kaligtasan ng kanyang tatlong anak.
Matatandaan na noong ika-5 ng Mayo ay inanunsyo ni Department of Education Secretary Leonor Briones na sa August 24 ang napagdesisyunan nila para sa pagbubukas ng klase.
Samantala, hindi lang si Amy ang tutol dito. Marami ring mga magulang ang nanawagan na huwag munang ituloy ang pagbubukas ng klase hangga’t wala pang available na vaccine para sa naturang sakit.