ANGEL PASTOR
NAMIGAY ng sako-sakong bigas ang aktres na si Ara Mina para sa mga residenteng naapektuhan ng umiiral na quarantine.
Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram post ang truck ng bigas na ibinahagi nila sa iba’t ibang lugar sa Luzon.
Ayon kay Ara, katuwang niya ang isang grupo na tinatawag na #teamdarve at inihatid nila ang sako-sakong bigas sa ilang lugar sa Quezon City, Rizal, Caloocan City, Laguna, at Angeles, Pampanga.
Nakikiisa rin si Ara sa iba’t ibang organisasyon na tumutulong sa iba pa nating mga kababayan tulad ng mga senior citizen.
Ito ay sa kabila ng batikos na natanggap nito mula sa mga netizens matapos itong mamigay ng makeup kits para sa mga frontliners na hindi naman daw kailangan ng mga health workers ang pampaganda.