MELROSE MANUEL
DAPAT nang tanggalin bilang pinuno ng Kamara si House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ito ang naging pahayag ni Atty. Larry Gadon dahil sa planong pagbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN ng Kamara.
Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Gadon na wala sa Saligang Batas ang pagbibigay ng provisional franchise authority sa isang media entity.
Dagdag pa ni Gadon, hindi maitama ni Cayetano ang pag-guide sa Kongreso kaya dapat na siyang palitan bilang lider ng mababang kapulungan.
Samantala, sinabi naman ni Gadon na naghahanda na ito sa kanyang petisyon sa Korte Suprema sakaling maisabatas ang provisional franchise ng ABS-CBN.
Aniya, nakakahiya ang bansa kung patuloy na susuway ito sa batas dahil sa isang pribadong kumpanya na humihingi ng pabor.
Samantala, naniniwala naman si Gadon na hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na lumusot ito sa kanyang kamay kung mayroong paglabag sa batas na ginawa ang Kongreso.