VHAL DIVINAGRACIA
UMABOT na sa 33,000 na mga residente sa Metro Manila ang nag-apply sa Balik-Probinsya Program ng pamahalaan.
Ito ay base sa naitalang aplikante ng National Housing Authority kung saan karamihan dito ay mula sa Visayas.
Sa pagtataya ng ahensya, posible na ang mga naturang indibidwal ay mga biktima ng nagdaang bagyong Yolanda at lindol sa Visayas na nakipagsapalaran dito sa Metro Manila.
Matatandaan, nauna nang nakauwi sa Leyte ang higit isang daang benepisyaryo noong Miyerkules at inaasahang sa Biyernes sa susunod na linggo ang second batch nito.