JAMES LUIS
ISINAILAIM ngayong araw sa lockdown ang Barangay Bagong Silang, Quezon City kasunod ito sa dami ng taong lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ).
Nagsimulang ipatupad kaninang alas-singko ng umaga hanggang alas singko naman ng umaga bukas.
Bunsod nito, dinagdagan ng foot patrol at checkpoints ang lahat ng border ng barangay kung saan tanging may quarantine pass lang ang maaaring lumabas at pumasok.
Ang Barangay Bagong Silang ay nakapagtala na ng pitong nagpositibo sa coronavirus disease 2019.