MELROSE MANUEL
INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kakasuhan ang ilan pang mga dawit sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program o SAP.
Kasama rito ay mga barangay chairman, mga kagawad, mga ingat-yaman, mga purok lider, mga sekretarya at mga empleyado, at pati mga social worker.
Sinabi pa ni DILG Secretary Eduardo M. Año na isinampa na ang mga kaso na paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act sa 23 na opisyal.
Giit ni Año, ang puspusang pagsisiyasat at pagsasampa ng kaso ng PNP ay dahil nakatakda nang ipamahagi ang ikalawang bugso ng SAP emergency subsidy para sa mga maralitang pamilyang Pilipino sa mga susunod na araw.
Matatandaang nagpahayag si Pangulong Rodrigo R. Duterte na galit ito sa mga tiwali at kurakot na opisyal lalo na mula sa ayuda na nakalaan lamang dapat sa mga mahihirap na Pilipino.