JAO DAYANDANTE
NAG-IWAN ng malaking katanungan para sa ilang senador ang naging pahayag ng Department of Health patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng bansa laban sa COVID-19 pandemic.
Paano ani Senator Risa Hontiveros na nasugpo ng bansa ang COVID-19 curb kung patuloy naman ang pagtaas ng bilang kaso ng virus araw-araw.
Dagdag pa ni Hontiveros na hindi pa rin naman naaabot ang target na 20,000 test kada araw.
Humihingi naman ng malinaw na kasagutan si Senator Francis Pangilinan sa DOH kung ano ang naging batayan nito para sabihing nasa ‘2nd wave’ na ang bansa ng COVID-19 pandemic.
Giit pa ni Pangilinan na kaduda-duda ang mga inilalabas na pahayag ni Health Secretary Duque III.
Kahapon nang inihayag ni Sec. Duque na nasa 2nd wave na ng COVID-19 pandemic ang bansa at na-flatten na ang curb ng 1st wave ng naturang impeksyon.