JUSTINE NAZARIO
TRENDING ngayon ang “Bawal Lumabas” ni Kim Chiu sa Tiktok na kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga kabataan.
Matatandaan na ang bawal lumabas ay maituturing na accident composition lamang dahil isa lamang itong pahayag ni Kim na nilapatan ng beat maging ng dance step.
Pero ayon kay Kim kahit na noong una ay nasaktan ito na pinaglalaruan ang naging pahayag niya ay huli napagpasyahan nitong maglabas ng full-version.
Sa tulong ni DJ Squammy at Adrian nakapag-release ng full version song si Chinita Princess.
Hindi lang yan dahil nakipag-collaborate din si Kim kay DJ Loonyo para gawan ng dance step ang kanta.
Sa ngayon kanya-kanyang gawa ng version ang mga millennials sa nauusong kanta sa online lalong lalo na sa Tiktok.