MELROSE MANUEL
NANINIWALA ang mga mambabatas na lagpas pa sa Hunyo ang epekto ng COVID-19 pandemic kaya ipinanawagan ni Senator Ping Lacson na palawigin ang Bayanihan to Heal as One Act.
Suportado naman ni AKO Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin Jr. ang panawagan dahil kailangan ang pagtugon sa COVID-19.
Ayon kay Garbin, batay sa batas, ang naturang emergency power na ibinigay sa Pangulo para tugunan ang COVID-19 sa ilalim ng Bayanihan Law ay otomatikong magtatapos sa ika-5 ng Hunyo, kasabay ng sine die adjournment ng Kongreso. Sang-ayon sa itinakda ng Saligang Batas.