SAM GUTTIEREZ
UMABOT na sa higit 6M ang nalikom ng I Am Hope Charity Organization na itinatag ni Bea Alonzo at ng kaibigang si Rina Navarro.
Katuwang din nina Bea at Rina sa I Am Hope ang aktor na si Vhong Navarro, theater actress na si Tricia Canilao, at PR Excutive-Events host na si May Militante.
Sa Instagram account ng I Am Hope, nakasaad na nalikom nila ang donasyon in cash and in kind sa loob ng 30 araw.
Ginamit ng I Am Hope Organization ang pondong nalikom para tulungan ang mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Nasa 27 ospital at 17 barangay naman ang nakatanggap ng donasyon mula sa I Am Hope Organization.