MELROSE MANUEL
TUMAAS pa sa labing apat na libo tatlong daan at labing siyam (4,319) ang kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 sa Pilipinas.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health, sampung libo isang daan at dalawampu’t tatlo (10,123) ang active cases sa nasabing bilang.
Isang daan pitumpu’t isa (171) ang naitalang kaso sa National Capital Region (NCR), pitumpu (70) sa Region 7, at apat napu’t tatlo (43) naman mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa kabila nito, tumataas naman ang bilang ng mga gumagaling na nasa kabuuang bilang na tatlong libo tatlong daan dalawampu’t tatlo (3,323) matapos madagdagan ng pitumpu’t apat na nakarecover.
Nadagdagan din ng lima ang bilang ng nasawi, sa ngayon walongdaan at pitumpu’t tatlo (873) na ang pumanaw na sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.