MELROSE MANUEL
WALUMPU’T ANIM na gumaling sa COVID-19 ang nadagdag sa datus ng Department of Health (DOH) ngayong araw.
Sa 4pm bulletin ng DOH kahapon, umakyat na sa dalawang libo tatlong daan tatlumput pito (2,337) ang kabuuang bilang ng mga nakarecover mula sa sakit.
Labing walo naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa nakalipas na magdamag. Kung saan umabot na sa pitong daan siyamnapu (790) ang nasawi.
Sa ngayon, umaabot na sa labing isang libo walong daan pitumput anim (11,876) ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nadagdagan ito ng dalawang daan limampu’t walo (258). Pinakamaraming naitala sa National Capital Region na may isang daan walumput walo (188), labing anim sa Region 7 at limampu’t apat (54) naman mula sa ibat-ibang lugar sa bansa.