MELROSE MANUEL
PINAG-AARALAN na ng Department of Education (DepEd) ang pagbabawas ng bilang ng mga estudyante na papasok sa mga silid-aralan ngayong nalalapit na pasukan.
Ayon kay DepEd Spokesperson Annalyn Sevilla, bahagi ito ng learning continuity plan na ipepresenta ng DepEd sa Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Mayo.
Lilimitahan na lamang sa labing lima hanggang dalawampung estudyante ang isang silid aralan.
Ito ay upang masunod ang physical o social distancing para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Samantala, hindi napagdesisyunan ng pamahalaan sa inirekomenda na gawing online class ang gagawing pagtuturo sa panahong nasa health crisis pa ang bansa.