MELROSE MANUEL
PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling mula sa COVID-19 sa bansa kung saan batay sa huling COVID update ng Department of Health kahapon, nadagdagan ng siyam na put tatlo (93) ang bilang ng mga gumaling mula sa naturang virus.
Dahil dito, pumalo na sa isang libo apat na raan at walo (1,408) ang bilang ng mga nakarekober.
Samantala, nadagdagan din ng isang daan siyam na put siyam (199) ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang sakit kung saan isang daan pitumput tatlo (173) mula sa National Capital Region (NCR), isa mula sa Region 7 habang dalawamput lima (25) naman mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa kabuuang siyam na libo anim na raan walumput apat (9,684) ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19.
Sa naturang bilang naman, anim na raan tatlumput pito (637) ang nasawi matapos makapagtala ng labing apat (14) na nasawi sa nakalipas na bente kwatro oras.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng nakakarekober kumpara sa mga nasasawi mula sa COVID-19 pandemic.