MELROSE MANUEL
NADAGDAGAN pa ng tatlumpu’t lima ang bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na nakarekober sa sakit na coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 824 na ang mga pasyenteng Pinoy ang gumaling na sa virus.
Gayunman, may nadagdag pang 30 bagong confirmed cases ng COVID-19 para tumaas pa sa 2,360 kabuuang bilang.
Nasa 274 na ang OFWs na pumanaw matapos nadagdagan din ng lima pa mula sa bansang America, Europe at Middle East.
Naitala naman ang pinakamaraming recoveries mula sa Asia Pacific Region.
Pinakamaraming OFWs na may COVID-19 cases ay mula sa Europa at Middle East na sinundan ng America.
Sa ngayon may 1,262 pang OFWs ang sumasailalim sa medical treatment sa 46 na iba’t ibang bansa na nahawaan ng COVID-19 pandemic.