MELROSE MANUEL
BAHAGYANG bumagal ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin nitong nakaraang buwan.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala lamang ng 2.2 percent inflation na mas mababa ng point 3 percent noong buwan ng Abril at mas mababa ng point six percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ilan naman sa naging dahilan ng pagbaba ng inflation rate ang transportation na nakapagtala lamang ng 6.1 percent na pinakamababang naitala mula noong Oktubre ng 2015.
Kabilang din dito ang alcoholic beverages and tobacco, clothing and footwear, housing, water, electricity, gas, and other fuels, health, communication, at restaurant and miscellaneous goods and services.
Gayunpaman, bahagya namang tumaas ang inflation rate sa food and non-alcoholic beverages sa 3.4 percent.
Itinuturo naman ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon na nakaapekto sa pagbagal ng inflation rate nitong buwan ng Abril.