VIC TAHUD
MAGKAKAROON na ng sariling mega quarantine facility ang Biñan, Laguna.
Target na matapos ng Department of Public Works and Highways ang nasabing pasilidad sa darating na Lunes, ika dalawampu’t lima ng Mayo.
Sa ngayon, mayroon ng 35 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Biñan, kung saan dalawampu’t anim dito ay nakarekober na habang pito ang binawian ng buhay.