MELROSE MANUEL
GAGAWING modelo sa ‘new normal’ ang Bohol sa gitna ng coronavirus disease 2019 sa bansa.
Ayon kay National Task Force (NTF) Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., nagsasagawa na ng hakbang ang pamahalaan para unti-unting buksan ang industriya ng turismo sa Bohol sa gitna ng coronavirus pandemic. Wala rin aniyang naitalang nagpositibo sa sakit sa lalawigan ng Bohol.
Para maisagawa ito, sinulong ni Deputy Chief Implementer Vince Dizon ang pagpapalakas sa testing capacity ng probinsya para masiguro ang kaligtasan ng mga residente at turista rito.