JUSTINE PILANDE
NAUNGUSAN na ng Brazil ang Spain at Italy sa may pinakamaraming naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Matatandaan na naging isa ang Spain at Italy sa naging epicenter ng pandemic sa buong mundo.
Bunsod nito, naitala ang Brazil sa fourth largest outbreak ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Ayon sa datos ng Brazil Health Ministry nakapagtala ng 14,919 ang bansa sa loob lamang ng 24 oras.
Samantala, nasa 233,511 ang naitalang kabuuang kaso sa Brazil ayon sa huling tala ng worldometer.