SMNI NEWSTEAM
PINAHIHINTULUTAN na ngayon ng gobyerno ng Brazil ang paggamit ng hydrochloroquine sa paggamot sa coronavirus sa bansa.
Inilabas ng Ministry of Health ng Brazil ang protocol na palawakin ang rekomendasyon ng paggamit ng chloroquine sa mga pasyente ng coronavirus sa kabila ng kakulangan ng siyentipikong patunay sa pagiging epektibo ng gamot.
Ayon sa rekomendasyon, ang pasyente ay maaaring uminom nito sa pagitan ng una at ika-labing apat na araw, ng chloroquine o hydrochloroquine sulfate na may azithromonicin sa loob ng limang araw. Aplikado ito sa lahat ng kaso – mild, moderate o severe cases ng COVID-19.
Ang dokumento na inilabas ng Ministry of Health ay may iilang reservations, kabilang na dito, na kailangang doktor ang magbibigay ng reseta para sa medication ng isang pasyente at ito rin ang may kalayaan na magdesisyon ng paggamit o hindi, nito.
Nakalagay din sa dokumento na walang ibang epektibong gamot para sa coronavirus sa kasalukuyan, at hindi nito inirerekomenda ang self-prescription ng naturang medisina kung walang medical supervision.
Ipinunto rin ng Ministry of Health na layunin nito ay mapalawak ang access ng pasyente sa chloroquine at hydrochloroquine sa Unified Health System (SUS).
Naglabas din ang ministry ng consent form na kailangang pirmahan ng pasyenteng tatanggap ng reseta, kasama na ang benepisyo at panganib ng naturang medication.