POL MONTEBON
ISASAILALIM sa isang linggong total lockdown ang Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City dahil sa mataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.
Mula Mayo a siyete hanggang a trese mahigpit na ipagbabawal sa mga residente ng naturang barangay ang paglabas sa kanilang bahay.
Sa isang panayam kinumpirma ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na pumalo na sa 57 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang barangay.
Bukod sa pagbabawal na lumabas ng kanilang mga tahanan, isasabay na rin sa lockdown na gagawin ang mass testing para sa mga residente sa lugar para matukoy ang mga posibleng may COVID-19.