VHAL DIVINAGRACIA
KAILANGAN nang sumailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong bansa ayon sa opinyon ni Ateneo De Manila University Economics Professor Alvin Ang sa panayam ng Sonshine Radio.
Ani Ang, kailangan nang magtrabaho at kumita ng lahat dahil hindi maglalaon ay mauubos na rin ang budget na inilaan ng pamahalaan para sa ayuda.
Hindi naman aniya kailangan ng mga tao sa ngayon na kumita gaya ng dati dahil mas importante sa panahon ngayon ang survival kumpara sa luho.
Nilinaw naman ng professor na yung mga nasa essential goods ang pangunahing dapat patakbuhin ulit dahil iyon ang lubos na kinakailangan ng publiko sa ngayon.