MELROSE MANUEL
MAS paiigtingin pa ng Manila Police District (MPD) ang seguridad at pagbabantay sa checkpoints at mga establisyimento na pinayagan nang magbalik operasyon.
Ito’y matapos na ilagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila dahil sa dami ng bilang ng naitalang kaso ng COVID-19.
Sa pahayag ni MPD-PIO Police Lieutenant Carlo Manuel Magno, bagama’t halos wala namang pinagkaiba ang enhanced community quarantine (ECQ) at MECQ, kanila namang ima-maximize ang pagbabantay upang walang makalusot o manamantala.
Dagdag pa ni Magno, hinahanapan pa rin ng quarantine pass ang mga lumalabas na residente sa mga checkpoint habang ang ilang mga mall naman na pinayagan nang magbalik operasyon ay limitado pa rin dahil ang mga restaurant lamang ang maaaring magbukas.