ANNA MAE ALPUERTO
ANG pagkunsumo ng kape na sapat lamang sa kailangan ng ating katawan ay nakakatulong sa ating kalusugan. Ngunit ang sobrang pag-inom nito ay maaaring makasasama naman dahil ang sobrang caffeine ay may mga negatibong epekto.
Narito ang masamang epekto ng sobrang caffeine sa katawan:
1. Pagkabalisa. Ang caffeine ay nakakadagdag sa pagiging masigla. Kasabay nito, pinalalakas nito ang pagpapalabas ng adrenaline, ang hormone na nagbibigay ng mas mataas na enerhiya. Gayunpaman, sa mas mataas na pagkunsumo ay maaring magkaroon ng pagkabalisa at nerbiyos.
- Hindi pagkakatulog. Ang kakayahan ng caffeine na tulungan ang tao na manatiling gising ay isa sa mga pinakamahalagang katangian nito. Sa kabilang banda, ang sobrang kape ay maaaring makapagdudulot ng hirap sa pagtulog na maaaring humantong sa insomnia o sleep disorder.
3.Problema sa tiyan. Ang sobrang paginom ng kape ay nagdudulot ng pagpapabilis ng gastrin, isang hormone sa tiyan na nagpapabilis ng aktibidad sa colon. Ang caffeine ay nagpapabilis din sa paggalaw ng bituka. Dahil sa ganitong epekto hindi nakakagulat na ang malaking doses ng caffeine ay maaaring humantong sa pagtatae sa ilan. Pinaniniwalaan din na nagiging sanhi ito ng mga ulcer.
- Pagkabutas ng kalamnan. Ito ay isang seryosong kalagayan na maaring humantong sa sakit sa bato. Maari ring makaranas ng pagduduwal, pagsusuka at maruming ihi.
- Addiction.Ang araw-araw na sobrang pagkonsumo ng kape ay makapagdudulot ng pananakit ng ulo, pagkapagod at iba pa. Kung regular kang umiinom ng maraming kape o iba pang mga caffeinated drink, maaari kang maging addicted sa caffeine.
- Mataas na presyon ng dugo.Sa pangkalahatan, ang caffeine ay isa sa mga nagpapataas ng presyon ng dugo na nagdududulot ng atake sa puso at stroke dahil sa maaaring makapinsala sa mga arterya na naging dahilan upang maghigpit ang daloy ng dugo sa iyong puso at utak.
- Rapid heart rate. Ang mga stimulatory effect ng mataas na paggamit ng caffeine ay maaaring maging sanhi ng abnormality sa iyong puso at ang pagkaroon ng napakabilis na pintig ng puso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan.
Ang paggamit ng light-to-moderate na caffeine ay tila nagbibigay ng mga kahanga-hangang benepisyo sa kalusugan sa maraming tao. Sa kabilang banda, ang mataas na doses nito ay maaaring humantong sa mga epektong panganib sa pang-araw-araw na pamumuhay at maaaring maging sanhi ng malubhang sakit dahil ang mataas na dose nito ay hindi nangangahulugang mabuti ito sa atin.
Upang makuha ang magagandang benepisyo ng caffeine nang walang hindi kanais-nais na epekto ugaliing tama lang ang iinuming kape o di kaya’y bawasan ang iyong paggamit kung kinakailangan.