MELROSE MANUEL
MAKATATANGGAP din sa ilalim ng Tertiary Education Subsidy ang mga estudyante ng kolehiyo mula sa mga private higher education institutions.
Ito ay batay sa isinusulong na economic stimulus package sa Kamara na layong matulungan ang mga estudyante sa kanilang pinansiyal na pangangailangan sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay House Committee on Economic Affairs Chair Sharon Garin, bagama’t nasa pribado ang mga ito, nahaharap parin ang kanilang pamilya sa financial problem dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa.
Sinabi pa ni Garin na makakatanggap ng hanggang P8,000 na subsidiya ang kada estudyante para ipambayad sa 2nd semester tuition fee at iba pang bayarin sa kanilang pag-aaral.
Nabatid din na sa ilalim ng 2020 national budget ay P16-billion ang inilaang pondo para dito at P9-billion naman mula sa 2019 budget.