MELROSE MANUEL
UMABOT na sa 2,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City base sa datos ng QC Health Office kung saan may bilang na 624 na ang naka-recover sa sakit habang 169 na ang naitalang namatay.
Samantala, inilagay naman sa 14 na araw na special concern lockdown ang mga barangay ng bahay Toro, Culiat, Sauyo, Batasan Hills, at Tatalon simula Miyerkules dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.