VIC TAHUD
INIHAYAG ng Health-Focused Stat News na bigong maipalabas ng Moderna Incorporated, ang mga critical data sa ginawa nilang vaccine laban sa COVID-19.
Ayon sa Moderna, nagsagawa sila ng clinical trial sa maliit na grupo ng mga healthy volunteer at nakapag-produce ang vaccine ng antibodies sa mga ito.
Dagdag pa ng nasabing stat news, ayon sa mga eksperto, hindi sapat ang mga data na ipinalabas ng mga ito kung saan kulang umano sa data patungkol sa tugon mula sa ibang mga kalahok sa 45 subject study.
Walang inilabas na edad ng mga kalahok at wala pa ring komento ang National Institute for Allergy and Infectious Diseases hinggil sa naturang vaccine.
Hindi pa rin klaro sa ngayon kung gaano katagal magiging epektibo ang vaccine sa katawan.