VHAL DIVINAGRACIA
GUMAWA ngayon ng multiple alternative work arrangements ang Philippine Civil Service Commission para sa mga government agencies na apektado ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Sa ilalim ng resolusyon ng CSC No. 2000540 o Revised Interim Guidelines for Alternative Work Arrangements and Support Mechanisms for Workers in the Government During the Period of State of National Emergency Due to COVID-19 Pandemic, nakasaad na ang isang government agency ay mas mainam na mag-adopt sa panibagong work arrangements gaya ng work-from-home at skeletal workforce para sa kapakanan ng kanilang mga employees.
Maaari rin ayon sa CSC na magpatupad ng iba pang work arrangements gaya ng four-day workweek at shifting methods basta sumusunod ito sa quarantine rules sa kinabibilangang lugar.
Nakasaad din sa resolusyon ang isang framework at guidelines para sa nasabing multiple alternative work arrangements.