MELROSE MANUEL
NAKARANAS na ng mabigat na daloy ng trapiko sa lansangan ng Metro Manila dahil sa pagdagsa ng mga motoristang umaasang makakabiyahe na ng probinsya.
Gayunman, hindi pa rin pinayagang makadaan ang mga non-essential travel at mga motoristang walang rapid pass.
Pakiusap ni NTF against COVID-19 Spokesperson Retired General Restituto Padilla sa publiko, huminahon at mag-ingat pa rin sa posibleng pagkalat ng virus.
Samantala, nauna nang nagbabala ang World Health Organization (WHO) ng second wave ng COVID-19 oras na paluwagin ang mga restriction na ipinatutupad para makontrol ang pandemya.