JUSTINE PILANDE
MAGSASAGAWA ng online concert ang Filipino-Canadian singer na si Darren Espanto sa kanyang nalalapit na kaarawan.
Ito ang inanunsyo ni Darren sa kanyang Instagram post.
Nakalagay sa banner na pinost ni Darren na magsasagawa ito ng online benefit birthday concert na gaganapin sa kanyang 19th birthday sa darating na May 24 sa ganap na alas-8 ng gabi.
Ang malilikom naman nitong kita sa naturang concert ay kanyang ibibigay sa napili nitong foundation bilang beneficiaries.