MELROSE MANUEL
PINASALAMATAN ng aktres na si Angel Locsin ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos sagutin ng NBI ang kaniyang sumbong na may banta rin sa kanyang buhay kasama sina Kim Chiu at Coco Martin kasunod ng pagpapalabas ng kanilang pahayag sa pagsara ng Kapamilya Network.
Ayon sa aktres, may nagpost sa twitter na nag-aalok ng 200 milyong piso kapalit sa kanilang buhay at nagbanta pang pasasabugin ang ABS-CBN compound.
Binanggit pa sa nasabing post na hindi dapat paniwalaan si Angel Locsin dahil supporter siya ng NPA.
Nakilala naman ang nagpost na sina NJ Abellanosa at Placido dignos ngunit hindi pa tiyak kung totoong pangalan ito o isang fake account lamang.
Sinabi ng aktres na lumapit din siya sa NBI matapos sunod-sunod ang pagkaaresto sa mga nagbanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa social media.