MJ MONDEJAR
HINIMOK ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang Department of Education o DepEd na kanselahin ang resumption ng school year ngayong taon dahil sa patuloy na banta ng COVID- 19.
Ayon kay Ong, mainam ang postponement sa halip na magsagawa ng virtual classes dahil maraming estudyante ang walang kapasidad nito.
Aniya, marami sa mga kabataan ang walang kakayahan na bumili ng gadget gaya ng smartphones, tablets at laptops pati narin ang pagbabayad ng stable internet connection para sa virtual classes.
Paliwanag ng kongresista, maraming estudyante mula sa mga malalayong lugar lalo na yung mga nasa liblib na bahagi ng bansa ang hindi makakasabay sa makabagong paraan ng pag-aaral.
Para maiwasan ang kalituhan, panawagan ni Ong sa DepEd na mag-anunsyo ng maaga kung ano ang magiging pasya ng kagawaran upang maiwasan ang kalituhan at hindi masayang ang pera ng mga magulang sa pagbili ng mga gadgets.